Monday, July 13, 2009

Paano mabago ang kamalasan sa buhay?

Ito ay isang simpleng paraan para mabago ang kamalasan sa buhay, ito ay magagamit din para madagdagan ang swerte natin, ito'y subok ko na at marami narin sumobok. Bago matulog sa gabi ay dasalin ang psalmo 16 ng malakas upang maging mabisa po ang iyong dasal.
PSALMO 16
Ingatan mo ako, Oh Dios; sapagka't sa iyo nanganganlong ako.
Oh kaluluwa ko, iyong sinabi sa Panginoon, ikaw ay aking Panginoon:
ako'y walang kabutihan liban sa iyo.
Tungkol sa mga banal na nangasa lupa,
sila ang maririlag na mga kinalulugdan kong lubos.
Ang mga kalumbayan nila ay dadami,
na nangaghahandog sa ibang dios:
ang kanilang inuming handog na dugo ay hindi ko ihahandog,
ni sasambitin man ang kanilang mga pangalan sa aking mga labi.
Ang Panginoon ay siyang bahagi ng aking mana at ng aking saro:
iyong inaalalayan ang aking kapalaran.
Ang pising panukat ay nangahulog sa akin sa mga maligayang dako;
Oo, ako'y may mainam na mana.
Aking pupurihin ang Panginoon na nagbibigay sa akin ng payo:
Oo, tinuturuan ako sa gabi ng aking puso.
Aking inilagay na lagi ang Panginoon sa harap ko:
sapagka't kung siya ay nasa aking kanan, hindi ako makikilos.
Kaya't ang aking puso ay masaya, at ang aking kaluwalhatian ay nagagalak:
ang akin namang katawan ay tatahang tiwasay.
Sapagka't hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Sheol;
ni hindi mo man titiisin ang iyong banal ay makakita ng kabulukan.
Iyong ituturo sa akin ang landas ng buhay:
nasa iyong harapan ang kapuspusan ng kagalakan;
sa iyong kanan ay may mga kasayahan magpakailan man.

No comments:

Post a Comment